ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Geoff Eigenmann, aminadong nakaapekto sa trabaho niya ang pagbigat ng timbang


Masaya ang Kapuso actor na si Geoff Eigenmann na abala na muli siya sa paggawa ng mga proyekto matapos na makapagbawas siya ng malaki sa kaniyang timbang.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News TV's Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ni Geoff na maraming trabaho ang nawala sa kaniya matapos sumailalim sa weigh loss program na tumagal ng may ilang buwan.

"Six months gone, there were few tv shows that passed by me, mga regional shows. everything kasi nawala e," kwento niya.

Ito umano ang naging hudyat para gumawa siya ng paraan para magbawas ng timbang.



Ang diet, iba't ibang exercise at physical activities ang pinagkaabalahan ng aktor hanggang makabawas siya ng 40 pounds.

At sa pagbalik ng maganda niyang pangangatawan, bumalik na rin ang mga proyekto.
Ngayon, leading man siya ni Kylie Padilla sa Kapuso primetime soap na "Adarna."

Cover din siya ng isang health magazine kung saan tinalakay ang success story ng kaniyang pagbabawas ng timbang.

Ayon kay Geoff, masaya siya sa proyekto nila ni Kylie at maganda ang working relationship ng lahat ng involved sa show.

"Kahit na inuumaga kami, hindi namin iniisip 'yun kasi lagi lang kaming nagkukwentuhan. iba 'yung bond namin with the show. we're really a family," pahayag ng aktor.

Gusto pa umano ng aktor na patuloy na magbawas ng timbang ngayong taon kaya hindi naiwasan na maitanong kung paghahanda na ba ito sa pagsabak niya sa sexy roles?

"This year, I'm gonna be, I get more daring, do things that I've never done before and yes, we'll see," aniya. "Sana magtuloy-tuloy lang ang mangyari kasi maganda yung simula ng 2014. hopefully I can prolong this until the end of the year." -- FRJ, GMA News