ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ama ng komedyanteng si Jeffrey Tam, natagpuang patay sa Tayabas, Quezon
Natagpuang patay si Alfredo Francisco Tam, ama ng komedyante si Jeffrey Tam, nitong Martes sa Tayabas, Quezon.
Batay sa post mortem analysis, nasawi ang ama ni Jeffrey matapos itong pukpukin ng matigas na bagay.
Ayon sa ulat ng "Unang Balita" ng GMA News nitong Miyerkules, nakita sa nakuhang sasakyan ng biktima ang mga bakal na pinaniniwalaang ginamit bilang pamukpok sa ama ni Jeffrey.
Gayunpaman, hindi pa matukoy ang motibo sa likod ng krimen dahil hindi nawala ang mga alahas at cellphone ng biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang krimen. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: jeffreytam, alfredotam
More Videos
Most Popular