ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ynna Asistio, nalaman ang tungkol sa anak ni Mark Herras noong Valentine’s Day
Umamin ang aktres na si Ynna Asistio na nasasaktan ito kasunod ng pag-amin ng dating kasintahan na si Mark Herras na mayroon na itong tatlong-buwan na anak na babae.
Gayundin, hindi na nagbigay ng panayam si Ynna, ngunit sa isang text message na ipinadala sa GMA News sa pamamagitan ng inang si Nadia Montenegro, sinabi nitong nalaman lamang niya ang tungkol sa bata noong Valentine's Day.
"Unfortunately, I only found out last Feb 14, I had no idea po ... I'm hurting but there's nothing else I can do. I wish Mark well and I hope he takes good care of his baby," pahayag nito sa ulat ni Nelson Canlas sa "Chika Minute" ng "24 Oras" nitong Lunes.
Anim na buwan pa lang ang nakaraan mula nang maghiwalay ang dalawa, kaya lumalabas na nabuo si Ada, ang anak ng aktor, habang magkarelasyon pa sila.
Nitong Linggo, inamin ng "Rhodora X" star sa isang panayam sa talk show na "StarTalk" ang tungkol sa kaniyang baby girl. Samantala, hindi pa rin pinapangalanan ni Mark kung sino ang ina ngunit sinabi nitong mas matanda ito sa kaniya.
Gayunpaman, nabanggit ni Ynna sa ipinadalang text message na hindi pa rin sila makapaniwala ng kanilang pamilya hanggang ngayon. Bukod pa rito, ipauubaya na lamang niya sa Diyos ang lahat ng mga pangyayari.
"Now, I am still in shock. I can't believe my family and I were the last to know. I hope Mark is happy now and at peace," batid ni Ynna.
Patuloy pa nito, "Mas nagiging strong ako everytime nakikita ko messages ng mga tao. I lift everything to God, alam ko may purpose lahat itong nangyayari and I will take it positively." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: ynnaasistio, markherras
More Videos
Most Popular