ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pinay ‘X-Factor Israel’ winner Rose Fostanes, nasa Pilipinas
Balik-bansa na si Rose Fostanes, ang Pinay caregiver na nagwagi sa "X Factor Israel."
Sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras, sinabing lumapag sa bansa ang eroplanong sinakyan ni Rose nitong Miyerkules ng gabi.
Isang linggo raw mananatili sa bansa si Rose.
Sinabi ni Rose na abala siya ngayon sa paggawa ng album at may nakatakda rin siyang concert sa Israel at Australia.
Pag-uusapan naman daw kung magkakaron siya ng concert sa Manila. -- FRJ, GMA News
Tags: roseosangfostanes, rosefostanes
More Videos
Most Popular