ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Kambal Sirena,' malaking hamon daw kay Louise Delos Reyes


Itinuturing ni Louise Delos Reyes na pinakamalaking hamon sa kaniya ang pagganap bilang mermaid sa bagong aabangang Kapuso primetime series na "Kambal Sirena."

Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA news "24 Oras" nitong Martes, ipinakita ang pag-alalay ng production crew kay Louise nang kunan ang plug shoot para sa "Kambal Sirena."

Bukod sa costume ng sirena, naging hamon din sa young actress ang hampas ng malalaking alon.



Bukod sa harness, todo rin ang alalay na ginawa ni Aljur Abrenica kay Louise.

Mahirap man ang role, lubos naman ang paghanga ng aktres sa ganda ng kalikasan sa ilalim ng karagatan.

"Kung nagagandahan tayo sa mga bundok dito, yung langit, yung mga ibon, pagdating sa ilalim ng tubig...ganda," pahayag ng dalaga.

"Ang ganda talaga as in nakita ko yung mga ano... mga cartoon characters, sina Nemo, nakikita ko sila sa ibaba," masaya niyang kwento.

Labis din ang pasaalamat ni Louise sa kaniyang diving instructor-trainer at underwater director na si Jess Lapid, Jr.

"Mahirap siya, oo, pero gusto ko yung ginagawa ko kaya mas napapagaan 'yong trabaho ko," dagdag Louise.

Mapapanood ang "Kambal Sirena" simula sa Lunes sa GMA-7, pagkatapos ng "24 Oras." -- FRJ, GMA News

Tags: kambalsirena