ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart Evangelista, nilinaw ang tungkol sa kanila ni Marian Rivera -- report


Hindi magkaibigan pero hindi rin naman magka-away. Ganito inilarawan ng Kapuso star  na si Heart Evangelista ang relasyon nila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Heart kaugnay sa isang larawan na inilagay ng aktres sa kaniyang Instagram account na nabigyan ng ibang kahulugan sa social media, ayon sa ulat ng GMA news Unang Balita nitong Biyernes,

Ayon sa ulat, lumabas sa showbiz online news na Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, ang larawan na inilagay ni Heart sa Instagram at makikita na magkatabi ang dalawang magazine na cover si Heart sa isa, at si Marian naman sa isa pa.



Sa caption ng larawan ni Heart, nagpasalamat ang aktres sa mga bumili ng magazine na siya ang cover.

Ipinakita rin sa ulat ng PEP ang mga negatibong komento at positibo tungkol sa post na iyon ni Heart na inakalang pagkukumpara sa dami ng benta ng dalawang magazine.

Maraming followers ni Marian ang 'di nagustuhan ang post.

Kasunod nito ay nag-post din si Heart sa kaniyang Instagram account ng paglilinaw na wala siyang intensyong masama sa pag-upload ng picture.

Binura na rin ng aktres ang kontrobersiyal na litrato at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya.

Ayon kay Heart, kung galit daw siya sa isang tao, hindi daw siya mag-po-post ng kahit ano tungkol dito. -- FRJ, GMA News