ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Docu-film tungkol kay Manny Pacquiao na may boses ni Liam Neeson, nag-premiere na
Nag-premiere na sa Pilipinas at Texas, USA ang documentary film na "Manny," na tumalakay sa mga pinagdaanan sa buhay ng Pinoy boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Sa ulat ng GMA news "Saksi" nitong Martes, sinabing ang Hollywood actor na si Liam Neeson ang nag-narrate sa mga hamon at hirap na nalampasan ni Manny.
Mapapanood din sa dokyu ang mga naunang laban ng Pambasang Kamao.
Bukod sa red carpet premiere sa Pilipinas, nag-world premiere na rin ang pelikula sa Texas sa Amerika at nakakuha umano ito ng magagandang review.
Ang docu-film ay prinoduce [produce] ni Ryan Moore at idinirek ni Leon Gast.
Idi-distribute ito ng Solar Pictures ng Solar Entertainment. -- FRJimenez, GMA News
Tags: mannypacquiao
More Videos
Most Popular