ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Richard Gomez, pasok sa PHL national men's volleyball team
Pasok na ang aktor na si Richard Gomez bilang bagong miyembro ng Philippine national men's volleyball team.
Sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing ikinatuwa ni Goma ang pag-qualify niya sa national team, kung saan siya ang pinaka-senior sa edad na 48-anyos.
Haharap ang national team laban sa iba't ibang Asian countries sa 2014 Asian Men's Volleyball Club championship sa susunod na buwan.
Dati nang napabilang si Richard sa national teams ng rowing, fencing at shooting. -- FRJ, GMA News
Tags: richardgomez
More Videos
Most Popular