ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miss World Megan Young, may shower scene sa 'Bang Bang Alley' movie


Puro papuri ang nasambit ni Ely Buendia tungkol kay 2013 Miss World Megan Young na kabilang sa mga bida ng pelikulang "Bang Bang Alley,' kung saan isa sa mga direktor ang sikat na singer. Mula nga  sa mundo ng musika, sumabak sa paggawa ng pelikula si Ely kasama ang iba pang direktor na sina Yani Yuzon at King Palisoc. Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing dalawang taon ang hinintay ng grupo ni Ely  bago nagkaroon ng play date ang kanilang pelikula. Nagawa ni Megan ang "Bang Bang Alley" bago pa man siya sumali sa Miss World pageant.  Kasama rin sa four-part crime drama movie sina Joel Torre, Bela Padilla, Abe Mercado, at si Jimmy Santos. Nang kinukunan ang mga eksena ng pelikula sa Mountain Province, hindi pa raw napag-usapan noon ang pagsali ni Megan sa beauty contest. Unang directorial job ni Ely ang "Bang Bang Alley" at puring-puri niya si Megan na hindi umano mareklamo at napaka-propesyunal sa trabaho kahit sa shower scene nito. "Sobrang walang sakit ng ulo with Megan... Super down to earth, super nice and whatever you ask her to do, she would do it without question with conviction," ani Direk Ely. -- FRJ, GMA News