ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Abbamania' na katunog ng sikat na bandang 'Abba,' may concert sa Pilipinas
May concert sa Pilipinas ang tribute band o bandang kamukha at katunog ng Swedish pop group na "Abba."
Sa "Starbites" ng GMA News TV's "Balitanghali," sinabing ang Pilipinas ang nag-iisang bansa sa Asya na kasama sa mga lugar na pupuntahan ng grupong "Abbamania."
Natutuwa raw sila dahil patok na patok sa mga Pinoy ang musika ng Abba.
Bukod sa Manila, magtatanghal din ang Abbamania sa Cebu, Baguio at Davao.
Mananatili sa Pilipinas ang grupo hanggang katapusan ng Marso. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular