ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anne Curtis, itinangging nagbitiw ng masasakit na salita kay Sam Concepcion


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

May panibagong kontrobersya na kinasangkutan ang sikat na TV host-actress na Anne Curtis na naganap umano sa isang party.

Iniulat ng GMA news "Saksi" nitong Martes,  na sinabihan daw ni Anne ng masasakit na salita si Sam, na napapabalitang boyfriend ng kanyang nakababatang kapatid, batay sa artikulong lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Sa nasabing artikulo, nagkita raw sina Anne at Sam sa birthday party ng komedyanteng si Vice Ganda.

Nilapitan daw ni Anne si Sam at saka tinanong kung bakit siya nasa party at kung sino ang nag-imbita sa kanya.

Dagdag pa raw ni Anne, hindi raw bagay ang binata sa naturang event, at  pinulaan din daw ang sasakyan ng binata.

Tinanong din umano ni Anne si Sam kung bakit niloloko nito ang kaniyang nakababatang kapatid na aktres.

Gayunman, sa pamamagitan ng Instagram account, idinepensa ni Anne ang sarili sa kinasangkutang kontrobersiya.

Ayon sa aktres, kinausap lang daw niya si Sam, na natural daw sa isang ate.

Pero hindi raw siya nagbitiw ng masasakit na salita sa binata.

Sa ngayon, okay naman daw sila ni Sam.

Ayon naman sa Stages, ang humahawak sa career ni Sam, wala pa silang opisyal na pahayag tungkol dito.

Noong nakaraang Disyembre, naging kontrobersiyal din ang umano'y ginawang pagtataray at pananampal ni Anne na naganap sa isang bar sa Taguig.  -- FRJ, GMA News

Tags: annecurtis