ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Baby girl ni Mark Herras, bininyagan na; larawan ni baby Ada, nasilayan na rin
Bininyagan na nitong Miyerkules ang baby girl ng Kapuso star na si Mark Herras.
Sa "Starbites" ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing sweet na sweet si Mark at ang baby niyang si Ada Sofia Nicolette sa pictures na ipinost [post] ng aktor.
May litrato rin ang mag-ama kasama ang mga ninong at ninang, at ang ilan nilang kamag-anak.
Very blessed daw si Mark sa kanyang cute na anak. (Basahin: Mark Herras, nainis sa mga nakikialam sa kaniyang anak na si Baby Ada)
Nitong nakaraang Pebrero nang aminin ni Mark na isa na siyang ama pero hindi nito binanggit kung sino ang ina. (Basahin: Mark Herras, umaming may tatlong-buwang anak na). -- FRJ, GMA News
Tags: markherras
More Videos
Most Popular