Pagkakaligtas sa aksidente, itinuturing milagro ni Lance Raymundo
Nagsalo-salo ang mga kaanak at kaibigan ni Lance Raymundo sa isang birthday at thanksgiving dinner kasunod ng matagumpay na operasyon sa mukha ng singer-actor na hindi biro ang halaga.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing itinuturing ni Lance na milagro na nabuhay siya matapos mabagsakan ng mahigit 95- pound barbell ang kanyang mukha habang nagwo-work out sa gym noong Marso.
Nagpasalamat din sa Diyos ang pamilya ni Lance dahil na naka-recover ang aktor mula sa aksidente.
Kuwento ng ama ni Lance, mahigit P4 milyon ang nagastos sa mga operasyon para maisaayos ang hitsura ng singer-actor matapos madisgrasya.
Magbabalik na sa trabaho si Lance sa mga susunod na araw para sa kanyang gigs at international film. -- FRJ, GMA News