ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Boots Anson-Roa, ikinasal na kay Atty. King Rodrigo
Ikinasal na si Boots Anson-Roa sa kanyang nobyo na si Atty. King Rodrigo sa Archbishop's Palace sa Mandaluyong City ayon sa ulat sa “24-Oras” noong Sabado.
Si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang nagkasal sa kanila.
Suot ni Boots and wedding gown na dinisenyo ni Eddie Baddeo nang siya ay ihinatid sa altar ng kanyang dalawang anak.
Ang anak namang babae ni Boots na si Chiqui Roa ang napiling maging matron of honor.

Photo: Jojo Gabinete/Pep.ph
Kasama sa mga dumalo sina Susan Roces at Manila Mayor Joseph Estrada. Dumalo rin ang lahat ng mga anak nila Boots at Atty. King upang magbigay suporta sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
Balak nila Boots at Atty. King na mag Asian cruise sa kanilang honeymoon. — Andrei Medina/JDS, GMA
Tags: bootsansonroa, kingrodrigo
More Videos
Most Popular