ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kuh Ledesma, image lang daw ang pagiging 'diva'


Batid daw ni Kuh Ledesma na "diva" ang tingin sa kanya ng marami. Gayunman, sinabi ng batikang singer na "image" lang iyon at hindi maiiwasan.

Sa "Starbites" ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing ikinuwento ni Kuh sa Philippine Entertainment Portal, na hindi niya mako-control kung "diva" o "untouchable artist" ang tingin sa kaniya ng ibang tao.



Itinanggi din ni Kuh ang mga balitang kailangang bigyan siya ng mala-royal treatment habang ini-interview, at hindi pwedeng magkamali ang mga taong nasa paligid niya.

Aminado si Kuh na todo-focus siya sa kanyang career noong kabataan niya kaya hindi siya nagkaroon ng maraming oras para makihalubilo sa iba.

Pero ngayon, kahit kinukulang pa rin sa oras ay sinusubukan na raw niyang maging available sa mga lumalapit sa kanya. -- FRJ, GMA News

Tags: kuhledesma, diva