Gwen Zamora, sasabak sa action scene sa bago niyang int'l movie
Pagkatapos ng Kapuso drama series na "Innamorata," sasabak naman sa aksiyon si Gwen Zamora sa gagawin niyang bagong international movie.
Sa "Chika Minute" report ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing action star ang peg ng aktres sa kanyang fight scenes sa upcoming Indonesian film na "Valentine."
Ito na ang second international movie ni Gwen pagkatapos bumida noon sa suspense-thriller movie na "The Witness."
Sa nakaraang panayam kay Gwen, sinabi nito na kung dati raw ay nag-audition siya para sa The Witness, ngayon daw ay talagang inalok na siya para sa bago niyang pelikula.
Pero nang tanungin kung sakaling alukin siya na magtuloy-tuloy na sa pag-aartista sa Indonesia, sinabi ni Gwen na mas nanaisin pa rin niya sa Pilipinas.
“Well, no, I wouldn’t live there. I have too much here. Mami-miss ko ang boyfriend ko, trabaho ko, friends ko. Mami-miss ko ang aso ko, parents ko, ang dami kong mami-miss.
“Puwede namang fly in, fly out. I’ve reached a point in my life na I can’t move country to one another, gusto ko sa isang country na lang talaga. Kasi I grew up moving from country to country.
“It’s a good experience, yes, it made you stronger, pero, sad,” anang aktres. -- FRJ, GMA News