ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, sizzling hot sa kaniyang red costume sa 2014 FHM Victory Party


Tulad ng inaasahan, dinagsa ng mga tao ang star studded FHM Victory Party ng "100 Sexiest Women in World" na pinangunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na itinanghal na "Sexiest Pinay" ng men's magazine sa ikalawang sunod na taon.

Sa ulat ng late night news "Saksi," sinabing ginanap ang victory party sa World Trade Center sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa mga rumampa ang mga Kapuso star na sina Ryza Cenon at Michelle Madrigal.

Nagpasiklab naman sa pagsayaw si Rochelle Pangilinan. (Basahin: Rochelle Pangilinan confident that her FHM pictorial will not be a religious issue



Samantala, kung "gold with wings" ang costume ni Marian noong 2013, pula naman ang kulay ng cut-out swimsuit na may feathers ang costume ng Primetime Queen nang rumampa bilang number one sexiest Pinay ng FHM.

Si Marian ang kauna-unahang babae na tatlong ulit nahirang na nasabing titulo.

Unang nakuha ni Marian ang naturang titulo noong 2008.

Pasok sa top 10 ng FHM sexiest women ngayon 2014 sina Sam Pinto, Angel Locsin, Jennylyn Mercado,  Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Alice Dixon, Ellen Adarna, Anne Curtis at Jinri Park.

Basahin: She can still feel it: Ageless Alice Dixson among FHM's top 10 sexiest

Samantala, ang iba pang Kapuso star na kabilang naman sa top 100 ay sina Heart Evangelista (11), Lovi Poe (15), Jackie Rice (16), Michelle Madrigal (17), LJ Reyes (19), Ehra Madrigal (23), Ryza Cenon (26), Katrina Halili (31), Bela Padilla (41), Rochelle Pangilinan (44), Andrea Torres (47), Rufa Mae Quinto (50), Carla Abellana (65), Rhian Ramos (70), Yassi Pressman (78), Louise delos Reyes (79), Kris Bernal (86), Glaiza De Castro (93), at Jade Lopez (94). -- FRJ, GMA News