ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alice Dixson averts 'wardrobe malfunction' in FHM Victory Party


Bukod kay Marian Rivera na muling kinoronahan bilang sexiest woman ng FHM magazine ngayong 2014, tumanggap din ng malakas na sigawan mula sa mga dumalo sa Victory Party nitong Miyerkules ng gabi ang 44-year-old na si Alice Dixson na nakaiwas sa tinatawag na "wardrobe malfunction."



Basahin: She can still feel it: Ageless Alice Dixson among FHM's top 10 sexiest

Marami ang humahanga kay Alice dahil nakapasok siya bilang No. 7 sa Top 10 sexiest women ng men's magazine sa kabila ng kaniyang edad.

Tinalo pa niya ang mga mas batang celebrity.

Nitong Huwebes ng gabi, ginanap ang victory party ng FHM Philippines sa World Trade Center sa Pasay City kung saan rumampa ang mga nakapasok sa listahan ng "100 sexiest women."

Nang tawagin na si Alice para rumampa, may mga nakapansin na tila nalalaglag ang pang-itaas na suot ng aktres.

Pero hindi ito naging hadlang para hindi tapusin ni Alice ang pagrampa. Pasimpleng inalalayan niya ng kamay ang pang-itaas na suot at itinuloy ang pagrampa habang patuloy sa paghiyaw ang mga manonood.

Umani ng paghanga sa mga nanonood at maging sa netizens ang ipinakitang propesyunalismo ni Alice. (Photos by Joe Galvez)-- FRJimenez, GMA News