Theatrical trailer ng 'Miss Saigon,' inilabas na; Rachelle Ann Go, sexy sa role niyang si 'Gigi'
Inilabas na ang official theatrical trailer ng revival "Miss Saigon" sa London's West End kung saan ilang Pilipino ang kasali kabilang na ang Kapuso star na si Rachelle Ann Go.
Sa naturang trailer na mapapanood din sa Youtube na ini-upload ng MissSaigonOfficial, makikita agad si Rachelle sa sexy nitong costume bilang si "Gigi," isang Saigon bar girl.
Sa video, makikita kung gaano kalaki at enggrande ng produksiyon.
Ilan pa sa mga Pinoy na kasali sa 2014 Miss Saigon ay sina Eva Noblezada na gumaganap din bilang pangunahing karakter na si "Kim," at si Jon Jon Briones bilang si "Engineer."
Kamakailan lang, nagpost ng larawan si Dennis Trillo nang panoorin nito ang Miss Saigon sa London kasama si Tom Rodriguez.
Nag-post din si Rachelle ng larawan nila ni Batangas governor Vilma Santos-Recto nang nanood din ang actress-politician ng nasabing musical show. -- FRJ, GMA News