ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto, nagbabala sa publiko laban sa mga manloloko




Nakipagkulitan si Vic Sotto sa segment na Sugod-Bahay ng 'Eat Bulaga' nitong Sabado. Nitong Biyernes, marami ang nag-alala nang hindi siya makita sa programa at nataon pa sa pagkalat ng malisyosong balita sa social media na pumanaw ang aktor. Screengrab mula sa 'Eat Bulaga'/FRJ, GMA News


Matapos hindi makita sa "Eat Bulaga!" nitong Biyernes at mabiktima ng malisyosong balita sa social media na namatay siya, present at nakisaya sa dabarkads nitong Sabado sa number one noontime show ang batikang TV host-actor na si Vic Sotto.

Sa segment na "Juan for All, All for Juan-Sugod Bahay," nagbabala si Vic sa publiko laban sa mga taong nagso-solicit o nanghihingi ng pera sa mga barangay para naman sa gay pageant with a cause ng Eat Bulaga na "Suffer Sireyna."

Nitong Sabado, napili na ang 10 finalists ng "Suffer Sireyna" na maglalaban-laban sa grand finals na gaganapin sa Sabado, Aug.2.

Ang 10 napiling kalahok ay base sa may pinakamaraming naipong basurang plastik na ginagawang silya at ibinibigay naman sa mga eskwelahan para magamit ng mga mag-aaral.

"Paalala lang po sa mga dabarkads sa barangay, baka may mga lumalapit sa inyo at humihingi ng solicitation [pera] para sa 'Suffer Sireyna', wala pong hinihinging pera ang 'Eat Bulaga,'" ayon kay Vic.

Ipinaalala rin nina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon na basurang plastik lang ang kanilang hinihingi sa mga residente ng barangay para magamit sa paggawa ng mga silya na ibinibigay nila sa mga paaralan.

"FB Hoax"

Nitong Biyernes, kumalat sa social media ang malisyosong post na pumanaw na si Vic.

Maraming netizens naman ang kaagad na nakatunog na "hoax" ito at posibleng may virus ang link na nakapaloob.

Pero dahil nataon ito na hindi nakita sa "Eat Bulaga!" si Vic, may mga nagtanong at nag-post ng pag-aalala at nais matiyak na maayos ang kalagayan ng Bossing ng mga dabarkads.

Kaagad namang nilinaw ni Ms. Malou Ochoa-Fagar, executive vice president ng TAPE Inc., na "hoax" ang post sa social media tungkol kay Vic at sadyang absent lang ang aktor sa programa.

Basahin: Vic Sotto dead?: It's a hoax, says 'Eat Bulaga' exec

Sa text messages naman ni Sen. Tito, sinabi nito na tatawanan lang ni Vic ang naturang panloloko gaya nang mga naunang lumabas patungkol sa kanila ni Vice Ganda.

"Tatawanan lang niya 'yon like the Vice Ganda issue," anang senador. "Hindi pumapatol sa ganun 'yon."

Basahin: Did he really slam Vic Sotto? Vice Ganda replies: 'It's an FB hoax'

"Dami talagang inggit kay Vic," dagdag ng mambabatas.

Kung mayroon man daw kabutihan na idudulot ang naturang kalokohan, ito ay ang kasabihan na humahaba ang buhay ng mga taong ibinabalita na pumanaw na kahit hindi naman totoo.

Basahin: Sen. Tito Sotto on 'Vic is dead' hoax: 'Dami talagang inggit kay Vic'

"The good thing is, kasabihan 'yon [na] 'pag nabalita kang namatay, tiyak na hahaba ang buhay mo lalo," ayon kay Sen. Sotto.

Gaya ng sinabi ng senador, walang binanggit na anoman si Vic nitong Sabado tungkol sa pinakabagong malisyosong post sa kaniya.

FB comments


Sa Facebook fan page ng "Eat Bulaga," nagpahayag naman ng kasiyahan ang mga dabarkads nang makita nila si Vic sa programa nitong Sabado.

Ang mga komento ay nakapaloob sa naka-post na larawan ng magkapatid na sina Vic at Titto na kuha sa show nitong Sabado.

@Jenny Mae: Great to see Vic Sotto back on stage ...

@Lovie Velasco: Bossing...mabuhay ka....alm mo nbsa ko khpon n patay kna...naku..walng mgawa sa buhay nya ang ngkalat sa tsismis n un...bossing happy birthday...ilove u mwah...mwah tsup...tsup....idol...

@Adelina Mendoza: Iyan ba ang patay na daw si BOSSING! Buhay na buhay pa at guwapong guwapo pa...God bless you BOSSING...

@Garlain Espinosa: bossing sabi nila patay ka na dw.hyy mga tao tlga ngaun lokoloko.

@Jerome Carillo: buhay c bosing!!!! pahiya ung nagkalat n patay n c bosing im sure nganey sya!!!!! hahahaha lov u bossing

@Remy Ulibas Collado: Pahiya ung nagkakalat na patay c bossing....Wla kang magawa na nagkakalat na patay c bossing kaw nalng magpakamatay.

@Roda Soriano De Leon:  yan c bossing buhay n buhay.. Alive and kicking!..

@Nonilon Luna: Matagal pa buhay mo bossing kc marami ka pang matutulungan at napapasaya love you idol kelan kaya kayo punta dito vegas

@Gelma Drilon: poge tlaga ng mga idol ntin at superbait pa , kaya wgkau maniwala s mga tsismis basta buhay p c bosing,godbless us.

                                                                                                            -- FRJimenez, GMA News