ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Sino kina Benjie Paras at Alvin Patrimonio ang may pinagsabay na karelasyon?


Sa pag-guest nila sa late night show na "Tonight With Arnold Clavio" nitong Miyerkules, isa sa dating basketball superstars na sina Benjie Paras at Alvin Patrimonio ang umamin na may pinagsabay na karelasyon noon.

Sa segment na "Nasubukan Niyo Na Ba?," pinasagot ni Arnold ng  "Oo" o "Hindi" sina Benjie at Alvin sa mga inihandang tanong.  Kabilang dito ang:

Na-in love na kayo sa fans?

Kapwa "hindi" ang tugon ng dalawa.

Makipagsuntukan sa hard court?

Kapwa "oo" ang kanilang sagot na nangyari umano noong nasa national team sila.



Naiyak sa pagkatalo?

Kapwa "oo" ang kanilang tugon

May pinagsabay ang relasyon?

"Oo" ang naging sagot ni Benjie. Pero bago sumagot, naniguro muna siya na hindi aalamin ni Arnold kung sino ang mga ito.

Si Alvin naman, "hindi" ang naging tugon.

Gustong pasukin ang pulitika?

"Hindi" ang sagot ni  Benjie, habang "oo" naman si Alvin na botante ngayon sa lungsod ng Maynila.-- FRJ, GMA News