advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Dingdong to Marian: 'I offer you myself, my love today and all the days of my life'


Sa live telecast ng "Marian#LastDance" show nitong Sabado, isinagawa ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pinakaaabangang wedding proposal niya sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Una nito, ikinuwento ni Dingdong na una siyang mag-propose kay Marian nang nagbakasyon sila sa Macau noong 2012 kasama ang kaniyang pamilya at ang nobya.

Itinuturing ng aktor na espesyal na pagkakataon ang naturang bakasyon dahil napagsama-sama niya ang kaniyang pamilya na bihira umanong mangyari lalo na kung nasa ibang bansa sila.

"Bukod sa pag-celebrate lamang ng birthday ko, mayroon akong isang bagay na gustong mangyari nang panahon na iyon. Isang espesyal na kaganapan na alam kong hinding hindi ko makakalimutan for the rest of life," anang Kapuso primetime king.

Kuwento pa ng aktor, dinala niya si Marian sa butterfly dome sa Macua dahil paborito umano ng nobya ang mga paru-paro. Dito ipinakita naman sa programa ang video clip nang nangyari sa dome.

Sa pagpapatuloy ng programa, sinabi ni Dingdong na nais niyang itama kung anuman ang hindi niya nagawa noon sa butterfly dome.

"'Yan [Marian] meron akong kailangan sabihin sa'yo, alam ko nang nangyari 'yon [sa dome] mayroon akong isang importanteng bagay na hindi nagawa. Marami akong bagay na hindi nasabi dahil sa sobrang overwhelmed ako sa hindi ko alam kung papaano pero allow me to do it right this time," pahayag ni Dingdong na tila nanginginig ang luha.

"At sa tingin ko magiging espesiyal siya ngayon dahil ngayon kaharap mo na ang pamilya mo, at nandito ulit ang akin [pamilya] at nandito ang mga taong nagmamahal sa atin. Isa lang ang gusto kong mangyari, gustong kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Like what I said, I wanna do it right this time," sa tagpong ito, lumuhod na si Dingdong at kinuha ang singsing para kay Marian.

"I offer you this gift on your birthday. Something that's beyond anything, I offer you myself, my love today and all the days of my life. So please Marian, will you be my wife?," pahayag ni Dingdong kay Marian.

Panoorin:



-- FRJimenez, GMANetwork.com
LOADING CONTENT