'Strawberry Lane,' tatalakay sa pagkakaibigan at pamilya
Nagsimula nang mag-taping ang paborito ninyong Kapuso teen stars para sa inaabangang teledrama na "Strawberry Lane," na balik-tambalan din ng real-life sweetheart na sina Bea Binene at Jake Vargas.
Sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing makakasama ni Bea sa serye sina Joyce Ching, Kim Rodriguez at Joana Marie Tan.
Iikot ang istorya nito sa apat na dilag na magiging magkakaibigan sa isang bahay ampunan.
Gaganap bilang Clarissa si Bea na may positibong pananaw sa buhay. Si Joyce naman bilang si Doreen, habang si Kim ang may pagka-boyish na si Jack.
Ayon kay Kim, challenging ang kaniyang role dahil may pagkakaiba ito sa tunay niyang pagkatao.
Good news sa JaBea fans ang "Strawberry Lane" dahil muling magtatambal sina Bea at Jake na smooth sailing dahil ang takbo ng relasyon.
Lahad ni Bea, sweet at mahilig daw sa sorpresa si Jake.
Mapapanood ang "Strawberry Lane" sa GMA simula sa September 15, pagkatapos ng "24 Oras." -- FRJ, GMA News