ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nova Villa, humingi ng dasal para sa paggaling ng kapatid na si Tiya Pusit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi pa naisasalang sa operasyon ang comedienne na si Tiya Pusit dahil sa mga komplikasyon. Ang aktres na si Nova Villa, humingi rin ng dasal para sa mabilis na paggaling ng kapatid.
 
Sa ulat ng Startalk nitong Sabado, sinabi ni Nova na hinihintay na lamang nila ang abiso ng duktor kung kailan posibleng operahan [bypass] ang kaniyang 66-anyos na kapatid.
 
Ayon sa aktres, may mga komplikasyon sa sakit sa puso at bato ang kaniyang kapatid, na sumasailalim din sa dialysis.



"Whatever the will of God. Yun lang po ang mahihiling namin na panalangin for her speedy recovery," ani Nova.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga anak at iba pang kapatid ni Tiya Pusit sa mga taong nagpapaabot ng tulong at dasal para sa paggaling ng komedyante.

Nakasaad sa ipinadala nilang text message na nakatatanggap si Tiya Pusit ng dugo para sa anemia nito at dialysis sa acute kidney failure. Maliban pa sa mga gamot para sa kaniyang hypertension. 

Ang isasagawang hybrid procedure para sa aortic aneurysm ng aktres ang kakailanganin umano ng malaking halaga. Ito raw ang ginagawa nila ng paraan at hinahanapan ng mapagkukunan.

Sinabi sa ulat na bagaman nakalabas na ng intensive care unit si Tiya Pusit, ipinagpaliban pa ang operasyon sa aktres dahil sa komplikasyon sa dugo. -- FRJ, GMA News

Tags: tiyapusit