ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Flash mob style wedding proposal ni John Prats kay Isabel Oli, alamin kung kaninong idea


Marami ang kinilig sa kakaibang wedding proposal na ginawa ni John Prats sa kaniyang nobyang si Isabel Oli sa papagitan ng flash mob sa Eastwood sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi na nilahukan ng 400 dancers.

Sa "Chika Minute" report news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Camille Prats, kapatid ni John, batid daw ni Isabel na magkakaroon ng flash mob pero hindi niya alam na gagamitin ito ng nobyo para alukin siya ng kasal.

Ang buong akala raw ni Isabel, ang flash mob ay para lang sa isang project ng mga Prats.



Kaya naman nang lumuhod at alukin ni John ng kasal si Isabel, hindi na nito napigilang maiyak sa tuwa.

"Si Liv (palayaw ni Isabel) ang isa sa mga nag-advertise sa flash mob na 'yon kaya aware siya sa flashmob pero di niya alam na it was for her," natatawang kuwento ni Camille.

Isa't kalahating buwan din daw pinagplanuhan ang naturang proposal na idea mismo ng ama ni John.

Kinilig din sa proposal ang mga kaibigan nina John at Olive na nasa Eastwood na sina LJ Reyes, Chynna Ortaleza at Glaiza de Castro.

"Naiiyak nang makita ang expression at makikita mo yung real love at ang ganda ng eksena," ayon kay Glaiza.

Ayon kay Isabel, hindi pa rin daw siya makapaniwalang engaged na sila ni John, na nobyo na niya ng halos dalawang taong.

Masaya rin daw si John na mapaligaya ang kaniyang fiance.

Sinabi naman ni Camille, posibleng dalawang beses kasal sina John at Isabel, na ang isa ay Catholic at isang Christian wedding para sa religion si Isabel. -- FRJ, GMA News