ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Paolo Ballesteros transforms into Marian Rivera
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
Matapos ma-confine sa ospital nang ilang araw kasunod ng transient ischemic attack o "mini-stroke," balik trabaho na si Paolo Ballesteros, at tuloy-tuloy rin ang panggagaya niya sa ilan sa mga sikat na artista sa local at international showbiz sa pamamagitan ng mga makeup transformation.
Nitong Linggo, nag-post si Paolo ng isa na namang make-up transformation sa kanyang Instagram account. Sa pagkakataong ito, gayang-gaya ng aktor ang mukha ng Primetime Queen na si Marian Rivera, ang kaniyang co-host sa "Eat Bulaga" at sa "Marian."
Matatandaang nakalabas si Paolo sa ospital dalawang linggo na ang nakakaraan. Ilang araw lang matapos makalabas ng ospital, ilang sikat na artista na ang nagaya ni Paolo, kabilang na sina Megan Fox, Jennifer Lawrence, Kirsten Stewart, at maging si Princess Diana. Makikita ang mga transformation na ito sa Instagram account ni Paolo.
Bukod sa pagpapatuloy ng kanyang hobby ng pagkopya na hitsura ng iba't ibang artista, balik trabaho na rin si Paolo sa kaniyang mga show. — JST, GMA News
Tags: paoloballesteros, marianrivera
More Videos
Most Popular