Mga 'Elemento,' darating na ngayong October sa GMA-7
Ang bawat nilalang ay may kuwento ng kabutihan. Ito ang mensahe sa likod ng Halloween special series ng GMA-7 na pinamagatang 'Elemento,' na mapapanood na simula sa Oktubre 10.
Taliwas sa paniniwala sa kulturang Pinoy na kaakibat ng mga 'elemento' ang kadiliman at kasamaan na idinudulot nito sa mga tao, ipakikita sa 'Elemento' na maaari ring maging biktima ang mga elementong kinatatakutan natin, at tayong mga tao ang sumisira sa kanilang mundo.
Makikita sa 'Elemento' ang iba't ibang itinuturing halimaw na nakikipaglaban para sa kanilang pinangagalagaan-- mayroong manananggal na nagpoprotekta sa mga bata, may kapre na inaalagaan ang mga kagubata, isang magandang water fairy na nagangalaga ng katubigan, at marami pang iba.
Kabilang sa mga gaganap bilang mga elemento sina Glaiza de Castro, Kuya Bodjie Pascual, at si Solenn Heussaff.
Ipakikita rin sa programa ang mga elemento na marunong umiibig, mag-aruga ng mga anak at pamilya, at nag-iiwan din ng legacy o kanilang marka sa ibabaw ng lupa.
Mapapanood na ang kakaibang kuwento ng mga 'Elemento' simula October 10, Biyernes ng hapon, sa GMA 7. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News