ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Biro ni Kuh Ledesma: 'Sana may manligaw na uli sa akin'
Pabirong nabanggit ni Kuh Ledesma na nais niyang magkaroon muli ng manliligaw ang karakter niya sa teleseryeng 'My Destiny' matapos itong maging biyuda.
Sa "Starbites" ng GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing ilang linggo na ang nakalipas nang magluksa ang karakter niyang si Selena Andrada dahil sa pagkamatay ng mister niyang si Mateo.
Naging isang malaking pagsubok rin ito para sa kanyang mga anak sa series na ginagampanan naman ni Tom Rodriguez at Ruru Madrid.
Bukod sa mga programang pinagbibidahan, abala rin si Kuh sa nalalapit ng reunion concert ng 80s Pinoy band na 'Music and Magic' sa PICC sa darating na Biyernes. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News
Tags: kuhledesma
More Videos
Most Popular