ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Amid involvement in Derek concubinage case, Angelica posts 'happy' picture with John Lloyd
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang araw matapos madawit sa kasong concubinage ng asawa ng dating kasintahan na si Derek Ramsay, nag-post si Angelica Panganiba ng masayang larawan kasama ang current boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.
Kasama si Angelica sa kasong isinampa ni Mary Christine Jolly laban kay Derek nitong Miyerkules. Ginamit na ebidensiya ni Mary Christine ang isang istorya sa StarStudio Magazine noong 2013 bilang patunay na nagsama sina Derek at Angelica sa iisang bahay.
Hindi naman nagbigay ng opisyal na pahayag ang aktres tungkol sa kaso.
"Angelica has no comment as of this time, as she has not received a copy of the complaint. She will respond accordingly once she sees the complaint. Thank you," ayon sa legal counsel niyang si Atty. Francis Aguilar ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa "24 Oras" nitong Miyerkules.
Nanghingi naman ng paumanhin si Derek kay Angelica sa pagkakadawit ng aktres sa kaso. "I would like to apologize to Angel, her family and all her fans for what's happening right now. I assure you hindi ko siya papabayaan," ani Derek. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular