ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vice Ganda recovering in hospital, jokes it's because of pregnancy


Matapos maisugod sa ospital at ma-confine, tila bumabalik na ang magandang kalusugan ng TV host at aktor na si Vice Ganda.
 
Sa isang post sa Twitter, siniguro niya na umaayos na ang kanyang pakiramdam at nakapagbiro pa na nagdadalang-tao umano siya. Aniya, “Ino-obserbahan na lang yung bata kasi mahina ang kapit at malakas sumipa.”
 
 
Noong Lunes, nai-confine si Vice sa St. Luke's Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa lagnat at loose bowel movement. Pero sa kaniyang pagkaka-confine, tila hindi naman nawala ang kaniyang sense of humor.
 
— Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
Tags: viceganda