Rhian Ramos on forgiving ex-boyfriend Mo Twister
Matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila noong 2011, tuluyan na nga raw naka-move on ang aktres na si Rhian Ramos mula sa nagdaang relasyon nila ng DJ na si Mo Twister.
Gayunpaman, inamin ni Rhian na hindi naging madali ang patawarin ang dating nobyo.
Pahayag sa GMA News ni Rhian, “with God’s forgiveness, I can... It’s [something] I need to pray about because it’s very difficult to forgive people when they aren’t sorry.”
Matatandaang bukod sa video ng emosyonal na Mo Twister na kumalat sa social media, humantong pa ang alitan nila sa pag-file ni Rhian ng temporary protection order laban sa Mo.
Simula noon, nagkaroon na ng panibagong boyfriend si Rhian na si KC Montero, ngunit nahantong rin ito sa hiwalayan.
Marami raw natutuhan si Rhian sa kaniyang past relationships at sa ngayon ay ine-enjoy daw nito ang pagiging single. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News