advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dahil sa umano'y death threat: Jim Paredes twits Sen. Nancy Binay


Lalo pang uminit ang usapin tungkol sa natanggap na pagbabanta sa buhay ng singer na si Jim Paredes dahil daw sa pagpuna niya kay Vice President Jejomar Binay at sa isyung katiwalian na kinasangkutan ng huli.
 
Nitong Martes, nag-post ng ilang mensahe si Jim sa kaniyang Twitter account, at kasama na rito ang mga pasaring sa anak ni VP Binay na si Sen. Nancy Binay.
 
"Shdnt she condemn death threats? Idiotic answer. LOL," saad ng batikang mang-aawit na miyembro ng legendary singing group na APO.



Ang naturang pahayag ni Jim ay patungkol sa isang online news kung saan sinabi umano ni Sen. Binay na hindi dapat maging sensitibo ang singer, at hindi dapat na ibintang kaagad sa kanilang kampo ang sinasabing natanggap na banta sa buhay sa pamamagitan ng isang post din sa Twitter.

Basahin: Jim Paredes scoffs at online death threat

Inungkat din ni Jim ang nangyaring insidente noong December 2013 sa gate sa Dasmariñas Village sa Makati kung saan nakita sa CCTV footage ang pagbunot ng baril ng ilang tauhan ni Makati Mayor Junjun Binay nang harangin sila sa gate ng mga security guard sa nasabing subdibsiyon.

"Nung hinarang kayo sa gate, di ba po napaka sensitive niyo that you took offense at the guards for doing their jobs?," saad ni Jim sa post.


May isa pang post ang singer na tila nagpapayo kay Sen. Binay, "To Nancy Binay! ‘Tanggapin mo nalang ang katotohanan na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam. Makinig ka nalang. Makinig ka nalang." -- FRJ, GMA News


LOADING CONTENT