ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Ang gaan sa katawan': Rafael Rossell enjoying new vegetarian lifestyle


Kamakailan lamang nang isinapubliko ng aktor na si Rafael Rosell ang kanyang panata sa mas malinis at malusog na pamumuhay, at ang pagiging kaisa sa animal advocacy matapos mag-desisyong maging isang ganap na vegetarian.
 
Aniya, “Napansin ko kasi na ang gaan sa katawan. Kuma-klaro yung pag-iisip mo, yung pandinig mo lumalakas, pati panlasa at pang-amoy. Parang superpowers na naba-block ng dati kong lifestyle. Na-e-enjoy ko yung full effect na binigay sa atin ng Diyos.”
 
Marami ang nagtaka kung mayroon bang pinaghahandaang role o pagrampa ang aktor. Aniya, ang tanging pinaghahandaan niya lamang ay ang magandang pamumuhay.
 
“I'm preparing for life. It's time to live. It's time to wake up and stop with the chemicals. Use the body to its fullest effect. Achieve your highest potential.”
 
Ibig bang sabihin nito na bukas siyang magpakita ng katawan sa mga proyekto?
 
Ayon sa 31-year-old actor, “If I personally like the project, if I personally want to keep it in my archive, na mapapanood ng mga anak ko, mga barkada ko, pamilya ko, at magiging proud sila sa mapapanood nila, why not?”
 
Suportado naman ito ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Olivia Newton, na kasalukuyang nananahan sa Canada. 
 
“She supports me in whatever I do and I've been living on my own for the longest time and pursuing my career for a long time so she trusts me... Walang explanation, walang defense. Masarap mag-trabaho. Masarap mabuhay.” 
 
Muling mapapanood si Rafael sa horror flick na Dilim kasama si Kylie Padilla, at magkakaroon din siya ng papel sa upcoming TV series ng GMA Network na "Second Chances" kasama naman sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Chynna Ortaleza, Camille Prats, at marami pang iba. — JST, GMA News