ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi at Solenn, pangungunahan ang 'naughty and nice' bridal shower ni Heart


Pinaghahandaan na nga ng mga kaibigan ng bride-to-be na si Heart Evangelista ang kanyang bridal shower. Kabilang sa mga nangunguna sa paghahanda ang matatalik niyang kaibigan na sina Lovi Poe at Solenn Heussaff.
 
Sa isang panayam sa 24 Oras nitong Lunes, inamin ni Lovi na magkahalong "naughty and nice" ang inihahanda nilang bridal shower para kay Heart.
 
 
“You know Heart, it always has to be something wholesome. But you know me and Solenn, always has to be something naughty,” pabirong sambit ng aktres.
 
Hindi pa man pinal ang mga detalye, siniguro ni Lovi na magiging masaya ang send-off party para sa kanayang best friend.
 
“For a send-off party, it has to be something really fun. It will be also be fun to just hang out din with all the girls. Ang gusto lang talaga namin originally is us all girls together.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News