ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards' Christmas gift for family: brand new house and lot


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nalalapit man ang pagtatapos ng bayani-seryeng pinagbiibidahan niya, abalang-abala pa rin ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa iba't iba pa niyang projects.
 
Pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Alden ang paggawa ng pelikula nila ni Mark Herras na "Cain at Abel," at ang reality talent search na 'Bet ng Bayan' kung saan kasama niya bilang host ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.
 
Aminado ang aktor na nasasakripisyo na niya ang oras sa pamilya dahil sa dami ng trabaho, ngunit tila makakabawi na si Alden ngayong darating na Pasko. 
 
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Martes, sulit ang effort ni Alden dahil bukod sa mga kaliwa't kanang papuri para sa Ilustrado, mapapamaskuhan na niya ang sarili at ang pamilya ng house and lot sa isang exclusive subdivision sa Laguna.
 
Kwento ni Alden, “Mas malaking rooms and mas madaming rooms for my family, 2-car garage, corner lot.”
 
Gusto rin daw ng aktor na dito na sila mag-Pasko ng kanyang pamilya.
 
Samantala, huling linggo na ng Ilustrado at masaya si Alden sa mga papuring natatanggap ng programa. Aniya, “Dadalhin ko na po ito hanggang sa pagtanda ko. Kumbaga magiging part na siya ng history,.”
 
Dahil sa dami ng kanyang projects, wala na nga bang panahon si Alden para sa kanyang lovelife?
 
Aniya, “Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko pa nararamdaman, Kasi siguro nga, 'yung priority ko, hindi pa 'yun.”
 
Magtatapos ang Ilustrado sa darating na Biyernes, habang patuloy namang mapapanood si Alden sa daily show ng Bet ng Bayan, at tuwing Linggo kasama si Ms. Regine Velasquez. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News