ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mentor ni Bianca Guidotti, inako ang pagtalo ng Pilipinas sa Miss International pageant


Nabigong sungkitin ni 2014 Binibining Pilipinas-International Mary Anne Bianca Guidotti ang korona sa katatapos lamang ng Miss International 2014 pageant na ginanap sa Tokyo, Japan noong Martes.
 
Marami umano ang nagsasabi na isa sa mga dahilan ng kabiguan niyang makapasok sa Top 10 ay ang isinuot niyang gown.
 
Gayunpaman, ayon sa kanyang mentor at manager na si Jonas Antonio Gaffud, tagapamahala ng Mercator Artist and Model Management Inc., siya ang nagkaroon ng pagkakamali na naging dahilan ng pagkatalo ng pambato ng Pilipinas sa naturang pageant.

 
Sa kaniyang Facebook post, sinabi nito na, “It was not the gown. IT WAS MY FAULT.”
 
Paliwanag ni Gaffud, maganda ang naging performance ni Bianca sa kabila ng pressure na nakapatong sa kaniyang balikat, kabilang na ang '. 1. An impossible back to back win; 2. The most number of delegates in the history of the pageant; and 3. After many years this is the first time they will only get the Top 10, not the usual Top 15.'
 
Naging problema umano ang kaniyang pagkatakot na ibahin ang hitsura ni Bianca para sa kompetisyon. Sa halip, sinunod lamang niya ang "look" na gamit ng kandidata sa Binibining Pilipinas. (Basahin: Bianca Guidotti, bigong maiuwi ang korona ng Miss International)

“I would have loved a different look, different hairstyle and make up. But I got scared. I feared that if I changed her look and lost, people will bash me or condemn me. I feared that if I touched her hair and did something I really wanted, will it get the approval of many fans? So I thought to just stick with the look we achieved in Bb. Pilipinas. A lot of fans expressed it was her best look. But I really wanted something different.”
 
Hindi daw ito nangyari noon kay Venus Raj, na nasungkit ang 4th runner up sa 2010 Miss Universe pageant, dahil sinunod niya ang kaniyang gusto sa kabila ng natatanggap na pamba-bash mula sa fans. Gayundin ang nangyari kay Janine Tugonon, na nag-first runner up naman sa 2012 Miss Universe.
 
Bukod sa naniniwala siya sa kakayahan ni Bianca, natakot umano si Gaffud na ma-bash muli kaya hindi na niya naisagawa ang look na nais niya sana para sa kandidatang pambato ng bansa sa Miss International 2014 pageant.
 
Natuto na raw siya sa pagkakamaling ito.
 
“I listen to people. I love fans giving tips. But there's more to that than training girls for national and international competitions. My gut feel with people I trust should be my priority,” aniya.
 
Dagdag pa ni Gaffud, “If only I could spare Marian and the many supporters the disappointment in Miss International, I would. So here, let me take the blame for the girl I really knew, could do well in any international pageant. She embodies a modern Filipina with class, sophistication intelligence and compassion to serve.”
 
Pinaghahandaan niya ngayon at ng Mercator Artist and Model Management Inc. ang Miss Supranational 2014 at Miss World 2014 sa December, kung saan magiging kinatawan ng bansa sina Yvethe Marie Santiago at Valerie Weigmann, ayon sa pagkakasunod ng dalawang kompetisyon. 
 
Nagpapasalamat si Gaffud sa patuloy na suporta at pagmamahal ng mga Pilipino sa mga kandidatang nagiging pambato ng bansa sa international beauty pageants. — Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News