Isabelle Daza, tiniyak na maganda ang 'Kubot: The Aswang Chronicles 2' movie
Very busy ngayon si Isabelle Daza sa shooting ng kaniyang unang Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Kubot: The Aswang Chronicles 2. Ano nga ba ang dapat abangan ng mga manonood sa pelikulang ito na pinagtatambalan nila ni Dingdong Dantes?
Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing hindi alintana ni Isabelle ang magdamagang shooting sa "Kubot."
Sulit daw kasi ang kanilang pagod at hirap para mapaganda ang pelikula.
Ayon sa actress/TV host, pinaghirapan nila ang paggawa ng pelikula kaya naman proud at excited na silang maipalabas ito.
First time ni Isabelle na magkaroon ng pelikula sa taunang festival na ginagawa tuwing Pasko.
"We're proud of it. Ang kailangan ninyong abangan is yung storyline ang yung special effects," aniya.
Kahit maganda ang takbo ng career ni Isabelle, patuloy pa rin daw ang pagbigay sa kaniya ng advice ng kaniyang mommy na si Gloria Diaz.
Gayunpaman, naniniwala si Isabelle na very proud sa kaniya ang kaniyang mommy at balak daw ng kaniyang buong pamilya magbakasyon at magdiwang ng Pasko sa France
Pero pangako ni Isabelle, present siya sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera sa darating na December. -- FRJ, GMA News