Direk Andoy Ranay, hanga sa husay sa comedy ni Janine Gutierrez sa 'More Than Words'
Nag-trend worldwide sa Twitter ang pinakabagong primetime kilig-serye ng Kapuso network na "More Than Words." Ang direktor ng serye puring-puri ang husay ni Janine Gutierrez na gumaganap sa dalawang karakter bilang si "Ikay" at "Katy Perez."
WATCH: 'More Than Words' official music video
Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing pansamantalang itinigil ang taping ng serye nitong Lunes ng gabi para sama-samang panoorin ng cast at production staffs ang pilot episode ng romantic-comedy series.
Habang commercial break, busy rin sina Janine at leading man niyang Elmo Magalona sa pagsagot ng Tweets ng kanilang fans.
Nag-trending worldwide si Ikay at ang hashtag na "More Than Words."
Kung nakilala na si Ikay at ang kanyang Queen Bee alter ego na si Katy Perez, hindi raw dapat palampasin ang pagku-krus nila ng landas nila Hiro na ginagampanan naman ni Elmo.
Very proud ang direktor ng kilig-serye na si Andoy Ranay lalo na sa ipinakitang husay ni Janine sa pagpapatawa.
"Na-achive ni Janine...nagulat ako sa performance na ibinigay niya rito sa role niya bilang Ikay at Katy Perez.
Hindi lang daw ang "JanElmo" loveteam ang dapat abangan kundi ang nagbabalik-tambalang Rey PJ Abellana at Leni Santos.
Hindi rin magpapahuli sa kakwelahan ang batikang aktres na si Jacklyn Jose na gumanap bilang nanay ni Ikay.
Mapapanood ang More Than Words gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. -- FRJ, GMA News