ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pinay bet Kris Tiffany Janson off to Germany for Miss Intercontinental pageant
Lilipad na papuntang Germany sa Sabado ang pambato ng Pilipinas sa 2014 Miss Intercontinental na si Kris Tiffany Janson, ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Miyerkules.
Excited na umano si Kris na kumatawan sa Pilipinas sa naturang pageant at makilala ang mga kapwa kandidata mula sa iba't ibang bansa.
Kasama niyang pumunta sa Germany ang kanyang ina, tita, at mga pinsan upang makapanood at mag-alay ng suporta sa kanya sa kabuuan ng kompetisyon.
Mahaba-haba raw ang naging paghahanda ng Cebuana beauty queen sa lahat ng aspeto ng kompetisyon, kaya naman malakas ang loob niya sa pagsabak dito.
Aniya, “I'm really focused on what I'm supposed to do and on what I will do when I get there. I have faith in myself and I have faith in God. I'm sure He will guide me in my journey in Germany.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular