ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Heart Evangelista, masaya raw kapag nabuntis agad matapos ang kasal nila ni Chiz
Isang bridal shower ang sorpresang ibinigay kay Heart Evangelista ng kaniyang mga kaibigan, ayon sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules.
Bohemian daw ang tema ng bridal shower kay Heart na ginanap sa isang hotel.
Samantala, Amerika naman daw magpapasko si Heart kasama ang kanyang soon-to-be husband na si Senator Chiz Escudero.
Pero sa Pilipinas naman daw nila sasalubungin ang 2015.
Nang tanungin kung handa na ba siya na magka-baby agad matapos ang kasal nila ni Chiz sa Pebrero 2015, sagot ni Heart, "Ganun din naman punta nun e. Saka nagawa ko na rin naman lahat ng gusto kong gawin sa showbiz. Ang tagal ko nang nag-artista, 16 years, so kung mabuntis ako 'di masaya na rin ako." -- FRJ, GMA News
Tags: chizheartwedding
More Videos
Most Popular