Matapos ang private at intimate wedding sa Palawan ng TV host at writer na si Bianca Gonzalez at PBA player na si JC Intal noong December 4 kasama ang mga kaanak at kaibigan, ipinagdiwang naman ng mag-asawa ang kanilang pag-iisang dibdib kasama ang mas maraming mahal sa buhay sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong December 10.
Ayon kay Bianca sa isang Instagram post, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ang Araneta para sa isang wedding event.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kaibigan at kaanak nina Bianca at JC sa loob at labas ng showbiz, pati na ang teammates ni JC sa PBA. Naroon ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang Primetime King and Queen Marian Rivera at Dingdong Dantes na nakatakda ring ikasal ngayong buwan.
Isa sa mga highlight ng nasabing reception ang shooting game kung saan mananalo ng trip to Phuket ang may pinakamaraming shots sa loob ng 30 segundo.
Bianca embraces her new surname
Araneta all set and ready for its first wedding event
JC and Bianca welcome their guests
The maid of honor and best man, Aissa Gonzalez and Doug Kramer
Ninang Kris Aquino at the venue with the newlywed couple
Marian and Dingdong, who is set to tie the knot this month, attend JC and Bianca's reception
The couple with the most number of free throw shots will win a trip to Phuket!
— Bianca Rose Dabu/JST, GMA News