ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Host ng 'Travel Time' na si Susan Calo-Medina, pumanaw na
Pumanaw nitong Biyernes ang dating television host na si Susan Calo-Medina, ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Sa ulat ng GMA News 24 Oras, sinabing si Calo-Medina, 73-anyos, ay naging host ng award winning show na "Travel Time, na nagbigay sa kaniya ng titulong "TV's Queen of Travel."
"Our most sincere condolences to the family of Travel Time host Ms. Susan Calo Medina who passed away today," saad ng NCCA sa kanilang Facebook account.
Si Calo-Medina ay naging miyembro rin ng NCCA.
Nakalagak ang kaniyang mga labi sa Santuario de San Antonio sa Makati.-- FRJ, GMA News
Tags: susancalomedina, traveltime
More Videos
Most Popular