ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Charice' rendition of 'Let it Go' at videoke session goes viral


Nag-post ang international singing sensation na si Charice Pempengco ng kanyang pagkanta ng sikat ng awitin na "Let It Go" mula sa animated film na "Frozen" sa isang videoke session.
 
 
Hindi man buong kanta ang ipinakita sa video na naka-post sa social media, marami pa rin ang humanga sa angking talento ni Charice. Karamihan pa nga sa mga nag-comment ay humihiling na muling kumanta ang international singing sensation sa mga programa sa telebisyon.
 
Matatandaang sumikat si Charice sa pagbirit ng mga kantang gaya ng  "And I Am Telling You I'm Not Going",  "I Will Always Love You" at "I Have Nothing," na naging daan upang makilala siya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang bansa. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News