ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden Richards to portray one of the Fallen 44 in 'Wish Ko Lang' special
Gaganap ang Kapuso actor na si Alden Richards bilang si PO3 John Lloyd Sumbilla, isa sa mga nasawing SAF troopers sa naganap na engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang buwan.
Ayon kay Alden sa isang ulat sa 24 Oras noong Linggo, karangalan para sa kanya ang maging kasapi ng pagbabahagi ng buhay ng isa sa mga tagapagtanggol ng bansa. Isa rin daw itong hamon at bagong responsibilidad sa kanya bilang isang artista.
“Nandun yung hesitation ng asawa niya na payagan siya specifically dito sa operation na ito. Makikita niyo kung paano siya pinigilan ng asawa niya na tumuloy,” kwento ng aktor.
Ipapalabas ang buhay ni PO3 Sumbilla sa Valentine's Day presentation ng GMA public affairs show na “Wish Ko Lang."
Ipapakita rito ang kanyang pinagdaanan hindi lamang bilang isang pulis, kundi maging bilang isang asawa, na hindi na nasilayan ang kanyang panganay na ipapanganak pa lamang nang masawi siya sa naganap ng bakbakan.
Paliwanag ni Alden, “Nandun yung hesitation ng asawa niya na payagan siya specifically dito sa operation na ito. Makikita niyo kung paano siya pinigilan ng asawa niya na tumuloy.” — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular