ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin and Mariel spend Valentine's Day in Maguindanao, Sarangani


Kung ang karamihan ay nagbigay at nakatanggap ng mga bulaklak, chocolates, at regalo, iba naman ang paraan ng pagdiriwang ng Valentine's day ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
 
Nitong Sabado, nagtungo ang dalawa sa Mamasapano at Sharif Aguak sa Maguindanao upang ipalaganap ang mensahe ng kapatiran at kapayapaan.
 
Kasunod ito ng naging madugong sagupaan sa pagitan ng PNP-SAF commandos at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kumitil sa buhay ng 44 sundalo ng gobyerno at ilang sibilyan.
 
Ayon kay Robin sa kanyang Instagram post, "Today is Love day. It does not mean only for couples, it's for the whole of Humanity! May the Big Finger of Peace sign be with you all."

 
 
 
 

Robin visits his brothers and sisters in Islam @robinhoodpadilla #RealHeartsDay

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) on

 
 

no to war yes to peace ?? #RealHeartsDay

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) on

 
Bumisita rin ang mag-asawa sa Sarangani Province upang maranasan ang mayamang kultura at masilayan ang magagandang tanawin ng Mindanao.
 
 

learning the B'laan tribal dance ????

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) on

 
 

kissy kissy ???????????? hehehe #RealHeartsDay

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) on

 
 
Nagpasalamat rin siya kay ARMM governor Mujiv Hataman at Anak Mindanao Congresswoman Djalia Turabin-Hataman.
 
"Mabuhay din ang mga bayaning PNP at Philippine ARMY na sumalubong sa amin ng ngiti,suporta at paggalang sa gitna ng kampo ng mga rebolusyonaryong MILF," dagdag pa ng sikat na action star. — Bianca Rose Dabu/JST, GMA News