ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

K-Pop group, nais i-record ng hit OPM song na 'Pusong Bato'


Masaya sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas ang Korean boy band na "No Other Man o "N.O.M." Ayon sa grupo, nais nilang i-record ang sikat na Pinoy love song na, "Pusong Bato" at nagpatikim pa sila ng kanilang bersiyon nito.

Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Lunes, sinabing nagbalik sa Pilipinas ang N.O.M. matapos maimbitahan ng isang organisasyon para sa isang charity show upang makaipon ng pera para sa kanilang medical mission.



Ang mga miyembro ng grupo, tuwang-tuwa dahil nananatiling mainit ang pagtanggap ng kanilang Pinoy fans kahit pangalawang beses na nila rito sa bansa.

Gusto raw nilang manatili ng mas matagal sa bansa sa susunod nilang pagbabalik.

Itinuturing na raw nilang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Katunayan, nag-aral pa sila ng isang kantang Pinoy na ire-record daw nila, ang Pusong Bato.

Nagpatikim pa sila ng sample sa pagkanta ng naturang awitin. -- FRJ, GMA News