ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Binibining Pilipinas candidate, proud na dating kasambahay

Janicel Lubina has come a long way. KC Cruz
Kagaya ng lahat ng kandidata sa taunang Binibining Pilipinas, isang katuparan din ng pangarap para sa 19 taong gulang na si Janicel Lubina mula sa Palawan ang mapabilang sa prestihiyosong pageant na ito at magkaroon ng pagkakataong mapili upang kumatawan sa Pilipinas sa mga international pageant.
Gayunpaman, kaiba sa karamihan, naranasan ni Janicel ang kahirapan sa murang edad matapos ma-stroke ang kanyang ama na naging dahilan kung bakit kinailangan niyang mamasukan bilang kasambahay kasama ng kanyang ina.
Pagbabahagi niya, “Hindi ko ine-expect na nandito na ako ngayon sa rurok ng pangarap ko. Mula sa pagiging simpleng babae sa probinsya na hindi mo iisiping after ilang years, nandito na ngayon sa Manila. When I was in 3rd year, na-mild stroke yung dad ko, kaya nag-farm ako, nagbubukid ako, at nagkakasambahay din ako. My mom is also a kasambahay.”
Sa kabila ng mahirap na buhay, proud si Janicel sa kanyang pinanggalingan. Aniya, umaasa siyang magsisilbi siyang inspirasyon sa mga kababaihang mula sa probinsya.

Janicel Lubina's glamour shot. Binibining Pilipinas
“I'm proud kung saan ako nanggaling and I think madaming na-inspire sa kwento ko, lalo na 'yung mga tulad kong kababaihang nasa probinsya,” ayon sa kanya.
Bukod sa pagiging kasambahay, nagtrabaho rin si Janicel sa isang bukid sa Palawan, kung saan siya lumaki.
Kwento niya, maaga siyang gumigising upang makapag-ani ng tanim na palay, at sa kabila ng mga sakripisyong kanyang ginagawa, masaya siyang kumakayaod para makaipon upang maiahon ang pamilya sa kahirapan.
“That’s why sobrang happy ako nun kahit madaling araw na ay naghihiwalay ako, hinihiwalay yung ipa sa binilad, okay lang kasi sobrang gustong-gusto kong makaipon.”
Kabilang si Junicel sa 34 kandidata sa 2015 Binibining Pilipinas. Bago ito, nagwagi na siya bilang Miss Bikini Philippines 2013 at Mutya ng Palawan 2012, at siya rin ang first runner-up ni Megan Young sa 2013 Miss World Philippines. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular