LOOK: Jam Sebastian, saglit na gumising at may mensaheng isinulat
Mula sa halos isang araw na pagkakatulog, saglit na gumising at may isinulat na mensahe si Jam Sebastian ng sikat na Youtube tandem na "JaMich." Nitong Huwebes nang mapabalitang naka-life support na si Jam dahil sa sakit niyang lung cancer.
BASAHIN: Kris Aquino visits Jam Sebastian who is now on life support
BASAHIN: Dasal para kay Jam Sebastian, dumagsa sa social media
Sa Facebook fan page ng Jamich, isang larawan ang ipinost kung saan makikita si Mich Liggayu, fiancé ni Jam na hawak isinulat na mensahe ni Jam.
Ayon sa kapatid ni Jam na si Yexel na nagpost din ng larawan sa kanyang FB account, "I love you" at may smiling face ang nakalagay sa mensahe.
Saad pa ni Yexel sa caption ng larawan: "Almost 24 hours na natulog si Jam. ngayon nagkamalay sya parang milagro na. naisulat pa nya to. grabe lang I love you yan na may smiling face. at parang gusto nyang iparating sa ating lahat na dont loose hope. pilit syang lumalaban kahit ilang beses naming sabihing kilala mo kami.oo ang sagot nya at laban na may thumbs up. Pray tayo."
Post by Yexel Sebastian.
Ayon sa post ng Jamich, bumalik sa kaniyang pagtulog si Jam. -- FRJ, GMA News