ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kuwento ng buhay mga nagwagi sa 'Juan For All, All For Juan,' itatampok sa 'EB' Lenten special


Ang kuwento ng mga buhay ng mga nagwagi sa segment na "Juan For All, All For Juan" ang itatampok sa Lenten Special episode ng Eat Bulaga sa susunod na linggo.

Sa "Chika Minute" report si Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Sabado, sinabing mapapanood ang six-episode Lenten presentation ng "Eat Bulaga" simula sa Holy Monday hanggang Holy Wednesday.



Sa Holy Monday, bibida sina Keempee de Leon, Nova Villa, Paolo Ballesteros at Jimmy Santos, sa May-Decemver love affair story, na "Biro Ng Kapalaran."

Susundan naman ito ng "Lukso Ng Dugo" na tampok sina Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, Julia Clarete, Ricky Davao at ang Chika Minute anchor na si Pia Guanio.

Sa Martes Santo, love story naman ang episode na "Pangako Ng Pag-ibig" nina Pauleen Luna, Anjo Yllana, Rocco Nacino at Luis Alandy.

Drama at may kaunting comedy naman ang hatid ng "Pinagpalang Ama" kung saan gaganap si Joey de Leon na may tatlong anak na bading na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Ryan Agoncillo.

Ang Kapuso Primetime Queen naman na si Marian Rivera, Bianca Umali, Ruby Rodriguez at Irma Adlawan ang magpapaiyak sa mga manonood sa "Aruga Ng Puso" sa Miyerkules Santo.

Ka-back-to-back nito ang "Sukli Ng Pagmamahal" sa natatanging pagganap ni Vic Sotto bilang isang guro. Makakasama dito ni Bossing sina Senator Tito Sotto, Allan K at Sef Cadayona.-- FRJ, GMA News