ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Mich Liggayu, usap-usapan muli sa social media


Naging trending topic muli sa social media nitong Martes si Mich Liggayu ng "Jamich" dahil sa isang video na makikitang kumakanta ang dalaga kasama ang ilang kaibigan sa loob ng hospital room habang nakaratay noon ang kaniyang namayapang boyfriend na si Jam Sebastian.

Sa video na ini-upload ng "TheDailypedia" sa Youtube na may titulong, "What Michelle Liggayu is doing while Jam Sebastian is fighting for his life," makikita ang ina ni Jam na si mommy Maricar na tila sumenyas na bawasan ang ingay na nililikha ng pagkanta nina Mich.

Nito lang nakaraang Sabado, March 28, iniulat sa showbiz talk show na Startalk ang tila may tampuhan sina mommy Maricar at Mich. (WATCH: Mommy Maricar Sebastian, ayaw nang makialam tungkol kay Mich Liggayu)

Nauna nang sinabi ni Mich na ayaw na niyang pansinin ang mga batikos na natatanggap niya. (BASAHIN: Mich Liggayu of JaMich on bashers: 'Pinapabayaan ko na lang po sila...'



-- FRJ, GMA News